Ang Banyo Queen

C tells a story:

A typical Sunday on November 1. Pagkatapos pumunta sa Chinese Cemetery, nakauwi na din kameng pagod na pagod. Masakit pa ulo ko dahil sa biglang init ng panahon.

Tumawag si lola. Lalabas daw kame for our Sunday family dinner sa Alabang Town Center. As usual, nauna si inay sa bathroom at ako nama'y nanonood ng tsismis sa The Buzz.

10 minutes have past, may bigla kumalabog sa banyo. Napatingin ako sa pinto ng banyo. May sumigaw, "Atchi!".

Ang dakila kong inay, hinde makalabas ng banyo. Stuck ang pinto.

So what to do? Hinde naman kame nagpanic...I had a deja vu nga e. I remember when my brother got stuck in his bathroom as well...brownout pa that time at may kandila cya sa loob. Mahilig talaga magspend ng quality time sa banyo ang mga tao sa bahay.

Back to my mom. I tried kicking the door, which my mom responded, "Hoy magsabi ka naman kung sisipain mu!!!" Yung brother ko naman kinuha lahat ng tools sa bahay at nagfeeling Lupin the 3rd. Kinalikot niya ang door knob at nagattempt magpasok ng screwdriver, paper clip, susi at kung anu anu pa sa maliit na butas . Pero matibay pala ang pinto at ayaw pakawalan ang nanay namin.

Mukhang kailangan ng extra manpower. Tinawagan namin ang katulong naming Amazona, pero nagsimba ang bruha dahil birthday niya. Pinapatay niya ang cellphone tuwing nagriring. DND. Si Inday na-highblood....at pinagmumura ang katulong na nagcoconcentrate sa misa.

Since hinde na maasahan ang dalawang katulong, sinabi ko sa kapatid ko maghanap na siya ng handyman...kahit san basta yung makakapagligtas kay inay sa kanya pagkabilanggo. Tinawagan ko na din ang lola ko para sabihin na hinde kame makaka-arrive on time at kung bakit.

Ang katulong ang sumagot, "Hello po?"

"Jin-jin, nasan si ama?"

"Naliligo po."

"Si Uncle?"

"Naliligo din po."

"Paki sabi sa kanila na hinde kame makakapunta dyan ng 6. Nalock si mama sa CR hinde makalabas."

"Anu po?"

Medyo deaf ang katulong na toh...

"NALOCK SI MAMA SA CR HINDE MAKALABAS! PAKISABI NA LANG SA KANILA!"

"Cge po." Baba ang telepono.

Ayun naiwan ako dun naghihintay ng rescue kay mama, hinde counted si Inday dahil nagtatarat lng cya ng mga deadly curses sa katulong taimtim na nagmimisa. Ang pusa ko, si Kiza, inaamoy ang pinto ng banyo para bang naiintindihan niya na nakakulong ang tagabigay niya ng pagkain.

Tumawag ang kapatid ko, wala daw bukas ng kahit anung tindahan so wala daw siya makitang taong makaktulong. Naku, dito na medyo...medyo lng....nagpanic ako.

So tumawag ako ulet sa lola ko...

Ibang katulong ang sumagot, "Hello!"

"Maria?"

Ubod ng taray ang tsimay na toh...

"Oooh Atchi, anu?"

"Sinabi ninyo ba kay ama na nalock si mama sa CR?"

"Ha? Nalock???"

"Hay katokin ninyo si Uncle at sabihin hinde makalabas si mama sa CR! Bilis!!!"

"Oo na." Baba ang telepono.

Haaaay. Hinde pala emergency ang malock sa CR. Trip trip lng. Grabe talaga ang mga IQ ng mga ito. Sarap paguumpugin ang mga ulo.

Si mama from the CR, "Carla! Iabot mu sakin yung martilo at screwdriver from the window of Charles' CR."

Magkatabi kasi ang butas ng window ng CR ni mama at ni Charles kaya dun nag-ala Lastikman ang braso ko para ma-iabot ang mga tools kay mama. Buti na lng payat ako. Si mama nagsimula ng self-demolition sa banyo. Feel ko frustrated na siya sa kanyang imprisonment.

Si Charles bumalik na at dumating na din si Uncle. Lahat na ng combined effort upang masira ang pinto nabigay na. Binalak na lng namin kutkutin ang side ng door kung san nandun ang lock at i-force ang lock para mabuksan. Wala kasing susi ang bathroom door.

Mga ilang minuto at dumating na din ang Amazona naming katulong. At binanatan ni Inday ng mura. Ang useful talaga ng matandang iyon. So ang Uncle ko at si Amazona ang nagvolt-in para masira ang lock sa pinto. Si mama tuloy pa din ang pagpukpok sa loob ng banyo.

Etong lola ko naman nakieksena pa, tumawag sa bahay, tinatanong kung papapuntahin daw yung kilala naming locksmith. Sabi ko, "Oo papuntahin mu na."

"Eh baka naman mabuksan ninyo na? Sayang naman at papuntahin ko pa yun."

"Eh hihintayin muna natin mabulok si mama sa banyo ganun?"

"Ah cge. I will tell him to go na."

Haaaaay...grabe kung may sakit ako sa puso aatakihin ka talaga sa household na toh.

Pagbaba ko ng telepono,

*BAM*

My mama is freeeeee. Finally niluwa na siya ng banyo. At hinde na tinawag ang locksmith. Hinde namin alam paano nangyari yun at hinde na namin balak malaman. Basta ligtas si mama.

Umalis na uncle ko with a maldita farewell, "Hay, I'm going. Lock the doors! See yaaaaaa!" Si Inday tumigil na sa kadadakdak. Si Amazona namatay sa kakatawa. Kame ng kapatid ko very relieved na wala na sa banyo si mama. Ang pusa ko nagmeow at humingi ng pagkain.

So dyan natatapos ang kuwento. Hinde ko alam kung may moral lesson toh, kung meron may ay hinde ko alam ito. Si mama ay may phobia na sa mga door knobs. Nahuli ko siyang nagchecheck ng bawat door knob ng bahay. Hehehe...














1 comments:

  1. E&C said...

    wag magsarado ng bathroom door! hahaha!  

Post a Comment





 

Original Blogger Template | Modified by Blogger-Whore | Distributed by eBlog Templates